Sumang-ayon ang Israel sa tigil-putukan matapos ang pagpapasabog ng US sa nuclear facilities ng Iran.

Una rito ay inanunsiyo ni US Pres Donald Trump ang ceasefire sa pagitan ng dalawang bansa matapos ang 12 araw na palitan ng missiles attacks na nagdulot ng takot sa Middle east.

Una na rin sinabi ng Iran na titigil lamang sila sa pag-atake kung titigil rin ang Israel sa pag atake nito sa kanilang bansa

Ilang oras bago ang anunsiyo ni Trump ay patuloy ang dalawang bansa ng launching sa kanilang missiles attacks.

Nagdulot ito ng pinakamalalang gabi para sa Tehran habang sa Israel ay apat na katao ang napatay.

-- ADVERTISEMENT --

Itoy matapos gumanti at maglunsad ang Iran ng missile attacks sa US airbase sa Qatar.