
Itinalaga ni Israeli President Isaac Herzog si dating military chief Gadi Eisenkot upang subukang bumuo ng bagong gobyerno matapos mabigong makakuha ng mayorya ang alinmang kampo sa nagdaang halalan.
Si Eisenkot ang pangunahing katunggali ni Prime Minister Benjamin Netanyahu, na nagsisikap manatili sa puwesto matapos mawalan ng mayorya sa parliament ang kaniyang religious-nationalist coalition.
Mayroon lamang 28 araw si Eisenkot upang bumuo ng pamahalaan, na maaari pang palawigin ng 14 na araw. Kabilang sa kaniyang mga posibleng hakbang ang pagbuo ng minority government sa suporta ng Arab parties o pakikipagkasundo sa iba pang partido.
Sa 120-seat Knesset, nakakuha ng 27 puwesto ang Likud Party ni Netanyahu, ngunit 53 lamang ang kabuuang bilang ng kaniyang coalition—kulang sa 61 na kailangan para sa mayorya. Samantala, nakakuha ng 21 puwesto ang partido ni Eisenkot, habang 19 naman ang nakuha ng dalawang partidong kumakatawan sa Arab minority.









