Hindi pa matukoy ang malinaw na nagwagi sa pagitan nina Prime Minister Benjamin Netanyahu at ng pangunahing katunggali nitong si dating military chief Gadi Eisenkot sa halalan sa Israel nitong Miyerkules, Oktubre 28, batay sa mga exit poll.

Habang hinihintay ang opisyal na resulta, naitala naman sa halalan ngayong taon ang pinakamataas na voter turnout mula pa noong 1999.

Batay sa paunang mga projection, inaasahang bababa sa 50 ang mga puwesto ng bloke ni Netanyahu mula sa 68 noong nakaraang Knesset. Samantala, tinatayang 52 puwesto naman ang makukuha ng bloke ni Eisenkot, habang 18 puwesto ang inaasahang mapupunta sa mga partidong Arab.

Kinakailangan ang hindi bababa sa 61 sa kabuuang 120 puwesto sa Knesset upang makabuo ng mayorya.

Patuloy na binibilang ang mga boto, habang inaasahan namang malalaman ang opisyal na resulta sa loob ng 48 oras o higit pa.

-- ADVERTISEMENT --