
Pinayagan ng Pasay Regional Trial Court (RTC) ang dating broadcaster na si Jay Sonza na magpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan matapos itong arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) noong April 30, 2026.
Sa kautusang inilabas nitong May 2, itinuwid ng Pasay RTC Branch 118 ang naunang “non-bailable” warrant at itinakda ang halagang
₱10,000 bilang piyansa, upang bigyan ng pagkakataon ang akusado para sa kanyang provisional liberty.
Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong cyberlibel dahil sa umano’y pagpapakalat ng pekeng impormasyong medikal tungkol kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kung saan nakatakda ang arraignment ni Sonza ngayong araw.










