Hinihiling ng defense team ni dating pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang onfirmation of charges na nakatakda sa September 23 sa International Criminal Court (ICC).

Sa apat na pahinang dokumento na inihain noong July 17, binigyang-diin ng lead counsel ni Duterte na si Nicholas Kaufman ang hirit nitong “status conference”.

Nag-abiso rin ito sa Pre-Trial Chamber I (PTC I) na nakatanggap na sila ng “redacted” information hinggil sa dating pangulo.

Magdudulot umano ito ng isyu, dahilan para kailanganing i-hold muna ang confirmation of charges hearing.

Mababatid na sa September 23 na inaasahang maganap ang pagdinig na siyang tutukoy kung magpapatuloy ba ang kaso o hindi.

-- ADVERTISEMENT --