Inihayag ng National Bureau ofInvestigation na si Shiela Guo, kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo ay isa ring Chinese national.

Sinabi ni NBI director Jaime Santiago na batay sa fingerprint analysis, si Shiela Guo ay si “Zhang Mier.”

Ayon kay Santiago, nagkaroon ng comparative fingerprint analysis kay Shiela Guo na nasa kanilang record, at isang Zhang Mier, at dito nakita na ang dalawa ay iisang tao lamang.

Sinabi naman ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, nakuha ng immigration officers mula kay Shiela Guo ang Chinese passport na may pangalan na Zhang Mier.

Matatandaan na nahuli si Shiela Guo at kanyang business associate na si Cassandra Li Ong sa Batam, Indonesia noong August 21 at ipinasakamay sila sa Bureau of Immigration para sa documentation at medical checkup noong August 22.

-- ADVERTISEMENT --