Tiwala ang vlogger at online personality na si Jack Argota na mababasura ang reklamong cyberlibel na isinampa sa kanya ng National Bureau of Investigation.

Aniya, wala umano itong silbi at inabala lamang siya sa kanyang trabaho.

Nag-ugat ang reklamo matapos niyang i-post sa social media ang sinasabing medical records ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na kalaunan ay kinuwestyon at itinuring na hindi totoo.

Kasabay ng kanyang pagpunta sa Department of Justice, nanawagan din si Argota kay Pangulong Marcos na kung tunay itong malakas at walang karamdaman, ituon umano sana ng presidente ang atensyon sa pag resolba ng suliraning kinakaharap ng bansa, partikular na ang tumataas na presyo ng langis.