Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang kaso ng melioidosis sa Siquijor, kasunod ng paunang hinala na ito ay glanders disease.
Kaagad itong inaksyunan sa tulong ng Department of Agriculture (DA).
Ang melioidosis ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng bacteria na maaaring makahawa sa tao at hayop.
Kadalasan itong naitatala sa mga bansang may tropikal na klima, gaya ng Pilipinas.
Nakukuha ito sa pamamagitan ng paglanghap ng maruming hangin o pag-inom ng kontaminadong tubig.
-- ADVERTISEMENT --
Sa ngayon, wala pang bakuna o lunas laban sa sakit na ito, kaya hinikayat ng DA ang mga livestock raisers na magpatupad ng mahigpit na sanitary protocols sa kanilang mga farm.