
Inihahanda na ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder laban kina Sen. Francis Escudero at Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng isyu sa flood control, at inaasahang maisasampa ito sa susunod na buwan.
Ayon kay Ombusman Secretary Jesus Crispin Remulla, may kaugnayan ang kaso sa mga proyekto sa flood control at may indikasyon ng sabwatan upang makagawa ng plunder.
Gayunman, iginiit ng abogado ni Romualdez na si Ade Fajardo na wala pang pormal na kasong naihahain at handa silang makipagtulungan kung magsisimula ang proseso.
Binigyang-diin din niya na sa ngayon ay wala pang ebidensyang nag-uugnay kay Romualdez sa mga umano’y ghost at substandard projects, at nananatili silang kumpiyansa na mareresolba ito batay sa ebidensya at tamang proseso.










