
Pumanaw na sa edad na 80 si Khaleda Zia, ang unang babaeng punong ministro ng Bangladesh, na kilala sa kanyang matinding tunggalian kay Sheikh Hasina na humubog sa politika ng bansa sa nakalipas na tatlong dekada.
Inanunsyo ng Bangladesh Nationalist Party (BNP) ang kanyang pagkamatay nitong Martes. Siya ang biyuda ng dating presidente at bayani ng militar na si Ziaur Rahman, na pinatay sa isang kudeta noong 1981.
Si Zia ay naging punong ministro mula 1991 hanggang 1996 at muling nanungkulan sa maikling panahon bago matalsik ng kanyang political na karibal na si Hasina. Sa kabila ng mga kaso ng korapsyon at pagkakakulong noong 2018, nanatili siyang simbolo ng oposisyon at kilusang demokratiko sa Bangladesh.
Matapos ang pagbagsak ni Hasina noong 2024, pinayagang magpagamot sa ibang bansa si Zia. Bagama’t may mahina na kalusugan, nagplano siyang lumahok sa halalan sa Pebrero 2026 bago tuluyang pumanaw.
Inihayag ng pansamantalang punong ministro na si Muhammad Yunus na si Zia ay isang “simbolo ng demokratikong kilusan.” Inaasahang ililibing siya sa Dhaka, katabi ng kanyang asawa.










