Ibinasura ni Kris Aquino ang mga kumakalat na tsismis na patay na siya.
Sa pamamagitan ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, sinabi ni Kris na dinala lamang siya sa ospital kamakailan dahil sa “scary” blood pressure.
Sinabi ni Balares na marami ang nagtanong sa kanya kung totoo ang balita na pumanaw na si Kris.
Inamin ni Balares na nabahala siya dahil sa ilang araw din siyang walang contact kay Kris.
Dahil dito, agad niyang tinawagan ang staff ni Kris para alamin ang kanyang kundisyon, kung saan sinabi sa kanya na natutulog siya.
Sinabi ni Kris na posibleng nagsimula ang tsismis na namatay na siya nang dinala siya sa ospital kamakailan dahil sa kanyang blood pressure.
Ayon sa kanya, bumaba ang kanyang white blood cells, at ang kanyang BP ay umabot sa 172/112.
Dahil dito, sinabi ni Balares sa mga followers ni Kris na huwag mabahala, sa gitna ng patuloy na gamutan ng aktres, ay nananatili pa rin siyang matapang sa buhay.