Ipinahayag ng Google nitong Mayo 1 na ibinalik na nila ang label na “West Philippine Sea” sa kanilang Maps platform matapos itong pansamantalang mawala.

Ayon sa tagapagsalita ng tech giant, nagkaroon lamang ng teknikal na problema kaya’t pansamantalang hindi lumabas ang label na may malaking simbolismo para sa Pilipinas, lalo na sa gitna ng patuloy na pang-aangkin ng China sa mga karagatang sakop ng bansa.

Matatandaang unang ikinatuwa ng pamahalaan ang paggamit ng Google ng naturang label bilang pagkilala sa soberanya ng Pilipinas.