Patuloy paring pinaghahanap ang isang lalake na pumunta sa ilog upang manguha ng kahoy sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Kinilala ni Susan Daraoay, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Iguig, ang biktima na si Jonifer Callueng, 37 anyos, at residente sa Brgy.San Vicente, Iguig.

Lumalabas sa imbestigasyon na kukunin sana ng biktima ang kahoy na nakikitang naanod sa ilog ngunit bigla na lamang itong nadulas sa bahagi kung saan niya sana kukunin mismo ang kahoy.

Napag alaman na wala umanong kasama ang biktima nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Daraoay, ginagamit umano ang mga kinukuhang kahoy na naaanod sa ilog bilang panggatong at kung may makuha namang malalaki ay ginagamit ito sa bahay.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay patuloy paring pinaghahanap ang biktima habang naabisuhan na rin ang mga karatig bayan sakaling matagpuan nila ang mga ito.

Kaugnay nito nagpaalala naman si Daraoay sa publiko na magdoble ingat sa tuwing nakakaranas ng kalamidad at laging makinig sa mga abiso ng mga opisyal ng gobyerno upang makaiwas sa anumang disgrasya.