TUGUEGARAO CITY- Inihahanda na ang kaso laban sa isang lalaki na nahuli sa buy bust operation sa Gattaran, Cagayan.

Sinabi ni Police Major Norly Gamal ng PNP Gattaran na una silang nagsagawa ng operasyon kamakalawa ng gabi subalit hindi ito nagtagunmpay kaya muli silang nagkasa ng buy bust kahapon na nagbusnod sa pagkakahuli kay Herbet Garduque ng Brngy. Capissayan Sur.

Nakuha sa pag-iingat ni Garduque ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang ginamit na marked money sa operasyon sa Brngy. Newagac.

Sinabi ng opisyal na sumuko sa “oplan tokhang” si Garduque subalit hindi siya sumailalim sa Community Based Rehabilitation Program.

-- ADVERTISEMENT --