
Patay ang isang lalaki na bumaril-patay sa dalawang katao sa umano’y shootout sa pulis sa Santa Rosa City, Laguna kahapon ng umaga.
Kinilala ng Laguna Police Office ang suspek na si alyas “Nestor,” residente sa nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, inatake umano ni Nestor si alyas “Victor,” na nakatayo sa Barangay Labas.
Nang tinangka ni alyas “Dexter” na makialam, binaril siya sa ulo ng suspek gamit ang .38 caliber revolver, kung saan dead on the spot ang biktima.
Sinubukan naman ni Victor na tumakbo, subalit hinabol siya ni Nestor at pinapatukan siya ng dalawang beses, kung saan tinamaan siya sa kanyang katawan.
Agad na dinala si Victor sa opistal subalit idineklara siyang dead on arrival.
Sinabi ng pulisya na pinaputukan din ng suspek ang mga rumespondeng mga pulis, wala siyang tinamaan.
Gumanti ang mga pulis, kung saan nagtamo ng maraming tama ng baril sa katawan ang suspek, at namatay habang dinadala siya sa ospital.
Ayon sa mga imbestigador, posibleng ang pamamaril ng suspek ay dahil sa matagal nang alitan laban kay Victor, bagamat wala pang detalye na inilalabas ang mga awtoridad.