Hinatulan kamakailan na makulong ng 22 buwan ang isang lalaki mula sa Poland matapos ang pagpasok niya sa dalawang bahay na walang pahintulot at gumawa ng ilang gawaing bahay.

Maaaring masama ang loob ng lalaki ngayon na 36 years old dahil sa halip na pasalamatan siya ng kanyang mga biktima, ay makukulong siya.

Kinasuhan ng burglary o pagnanakaw ang lalaki dahil sa pagpasok sa dalawang bahay sa Newport, Wales, at gumawa ng ilang gawaing bahay, tulad ng pagtatapon ng basura, pagsasampay, at paglilinis ng sahig.

Umimon lang siya ng konting alak at nag-iwan pa ng sulat sa isa sa bahay at nakasulat ang ““Don’t worry, be happy, eat up and scratch!”