TUGUEGARAO CITY-Inaalam na ng kapulisan kung sino ang nasa likod ng pamamaril-patay sa isang lalaki sa bayan ng Sta Ana, Cagayan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya,dumaan sa bintana ang hindi pa nakikilalang suspek kung saan natutulog ang biktima na si mark Yabes, 31-anyos ng Barangay San Vicente at pinagbabaril.
Tinamaan ang kanang kamay at dibdib ng biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Nabatid na kasama ng biktima na natutulog ang kanyang ama ngunit dahil sa bilis nang pangyayari ay hindi nagawang tulungan ang anak at hindi rin nakilala ang suspek na mabilis tumakas matapos ang pamamaril.
Kwestyonable naman sa pamilya ng biktima kung sino ang nasa likod ng pamamaril dahil wala naman umanong nakaaway ang biktima maging kanilang pamilya.