TUGUEGARAO CITY-Depression ang nakikitang dahilan nang pagbigti-patay ng isang lalaki sa bayan ng Camalanuigan, Cagayan.

Ayon kay Police senior sergeant Arvie Bartolome ng PNP-Camalanuigan, na batay sa salaysay ng pamilya ng lalaki na si Erwin Usal, 46-anyos ng Brgy. Minanga, buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon nang magsimulang hindi na nila maka-usap ng normal ang kaanak.

Madalas umanong magkulong sa kwarto ang biktima sa hindi malamang dahilan.

Kahapon, Disyembre 15, 2020, laking gulat ng isa sa mga anak ng biktima ng makita ang ama na nakabitin sa kanilang kwarto gamit ang electrical cord.

Sinubukang dalhin sa pagamutan ngunit idineklara ng duktor na wala ng buhay ng makarating sa ospital.

-- ADVERTISEMENT --