Patay ang isang lalaki matapos na maaksidente gamit ang kanyang motorsiklo sa Peñablanca, Cagayan.

Sinabi ni PMSgt.Gervacio Cornel na batay sa kanilang imbestigasyon, malapit na ang biktima na si Oliver Lumibo, 41 sa kanilang lugar nang biglang natumba at bumaliktad ng ilang beses ang kanyang motorsiklo.

Tumilapon ang biktima na nagtamo ng mga injuries na agad naman na dinala sa ospital sa Tuguehgarao subalit, idineklara siyang dead on arrival ng umasikasong duktor.

Sinabi pa ni Cornel na bumangga pa ang motorsiklo ng biktima sa ipa pang motorsiklo bagamat hindi naman nasaktan ang sakay nito.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid pa mula kay Cornel na mabilis umano ang takbo ng motorsiklo ng biktima nang mangyari ang insidente.