TUGUEGARAO CITY-Patay ang isang lalaki matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa sinusundang kuliglig sa bayan ng Amulung, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang binabaybay ng namatay na biktima na si Julius Cesar Siddayao, 27-anyos ng Brgy. Annafatan ang kahabaan ng Brgy.Masical lulan ng kanyang motorsiklo kasama ang angkas na si Bonel King Belen , 21-anyos nang mawalan ng kontrol sa manibela.

Dahil dito, dumiretyo ang biktima sa sinusundang kuliglig na sanhi ng pagtamo ng sugat sa katawan ng dalawang lulan ng motorsiklo.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival ng mga umasikasong duktor si Siddayao dahil sa mga tinamong sugat habang nasa mabuti ng kalagayan si Belen.

Nasa maayos din na kalagayan ang dalawang indibidwal na lulan sa kuliglig.

-- ADVERTISEMENT --