Patay ang isang 45-anyos na lalaki matapos umano’y saksakin ng kanyang kaibigan habang siya ay naka-Facebook Live sa Barangay San Isidro, Parañaque City noong Mayo 28.

Batay sa ulat, nakuhanan mismo ng livestream ang insidente nang biglang lumapit ang suspek at inatake ang biktima habang nasa harap ng kamera.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay dahil sa tinamong mga sugat.

Naaresto naman ang 34-anyos na suspek noong Hunyo 1 sa Barangay Singkamas, Makati City sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad.

Gayunman, ayon sa kapatid ng suspek, kusa umanong sumuko ang kanyang kapatid sa mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at maisampa ang kaukulang kaso laban sa suspek.