Isang menor de edad ang nawalan ng malay matapos mabundol ng motorsiklo nang bigla itong tumawid mula sa center island ng Roxas Boulevard sa tapat ng Baclaran Church sa Parañaque City.

Batay sa kuha ng dashcam, biglang sumulpot ang biktima sa kalsada kaya hindi na nakaiwas ang rider at kapwa sila tumilapon sa lakas ng banggaan.

Lumabas sa imbestigasyon na nagkagulo umano ang ilang kabataan sa lugar bago ang insidente.

Agad na isinugod sa ospital ang menor de edad.

Ayon sa pulisya, hindi na magsasampa ng reklamo ang pamilya ng biktima matapos magkasundo na sasagutin ng rider ang gastusin sa pagpapagamot nito.

-- ADVERTISEMENT --