Pinaniniwalaan na pinatay ng buwaya ang isang lalaki sa Australia matapos na mahulog siya sa isang sapa.

Ayon sa police, nadiskubre nila ang ilang bahagi ng katawan ng tao sa bituka ng 16-foot na buwaya na nahuli sa Queensland.

Nangingisda umano ang lalaki na 40 anyos sa pampang sa north Queensland nang mahulog siya sa tubig at nabigong umahon at may nagsabi sa mga pulis na kinuha siya ng buwaya.

Kasunod ng insidente, nahuli at pinatay ng rangers ang isang malaking buwaya malapit sa lugar kung saan nangingisda ang lalaki.

Naniniwala ang mga pulis na natagpuan na nila ang mga labi ng lalaki sa loob ng buwaya at kasaluyan na ang proseso para sa pagkakakilanlan ng lalaki.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na noong July 12, isang 12 anyos na babae ang pinatay ng buwaya habang siya ang lumalangoy sa isang liblib na settlement sa Northern Territory ng Australia.