Hinatulang makulong ang isang lalaki mula sa Greece dahil sa paulit-ulit na trespassing sa kanyang mga kapitbahay at inaamoy ang mga sapatos.
Inaresto kamakailan ang lalaki, 28 years old, nang makita siya ng isa niyang kapitbahay sa bayan ng Sindos, Thessaloniki sa kanyang bakuran na inaamoy ang mga sapatos na iniwan sa labas ng bahay.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng lalaki sa kanyang mga kapitbahay, na dahilan para isumbong na siya sa pulisya.
Matapos na marining ang paliwanag ng lalaki at mga testimonya ng kanyang mga kapitbahay, hinatulan ng korte ang lalaki na makulong ng isang buwan, na may kasamang tatlong taon na probation.
Sinabi ng lalaki na maging siya ay hindi rin alam kung bakit niya ginagawa ang pag-amoy sa mga sapatos.
Dahil dito, sinabi niya na hihingi siya ng suporta upang malaman kung ano ang kanyang sitwasyon at hindi na ito lumala pa.
Humingi din siya ng paumanhin sa kanyang mga kapitbahay na pinasok niya ang kanilang bakuran para amuyin ang kanilang mga sapatos.