
Nakatakdang maglabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Nancy dela Rosa, asawa ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, kaugnay ng mga naging pahayag nito hinggil sa insidente sa Senado noong Mayo 13.
Kinumpirma ni NBI Director Atty. Melvin Matibag sa isang press conference na inihahanda na ng ahensya ang subpoena matapos maiugnay kay Nancy dela Rosa ang mga pahayag na ipinaabot umano kay Senate President Alan Peter Cayetano.
Ayon sa NBI, sinasabing ginamit umano ni Senador dela Rosa ang naturang insidente bilang pagkakataon upang makaalis sa Senado.
Bukod kay Nancy dela Rosa, sinabi rin ni Matibag na maglalabas din ang NBI ng subpoena laban sa iba pang mga indibidwal na umano’y nakipag-ugnayan kamakailan kay Senador dela Rosa sa panahon ng imbestigasyon.
Samantala, pinag-aaralan pa ng ahensya kung kinakailangan pang ipatawag si Senador Robin Padilla, matapos na mauna nang sampahan ito ng kasong obstruction of justice ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).OFW
Nauna nang inamin ni Padilla na isinakay niya si Senador dela Rosa palabas ng Senado noong madaling araw ng Mayo 14 at ibinaba lamang umano ito sa Makati City.




