
Lumabas sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte na tumaas ang liabilities nila ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio mula ₱3.75 milyon noong 2022 hanggang ₱9.95 milyon noong 2024.
Ang nasabing halaga sa 2024 ay nakatala bilang pananagutan ng kanyang asawa.
Ang mga SALN mula 2022 hanggang 2024 ay isinumite ng Office of the Ombudsman sa House of Representatives bilang pagsunod sa subpoena kaugnay ng nagpapatuloy na impeachment hearing laban sa bise presidente.
Sa parehong 2024 SALN:
Umabot sa ₱88.5 milyon ang net worth ni Duterte
₱66.8 milyon dito ay real properties
₱31.6 milyon ay personal properties
Mas mataas ito kumpara sa:
2023 net worth: ₱77.5 million
2022 net worth: ₱71.5 million
Breakdown:
2023: ₱54M real properties, ₱25M personal, ₱2.55M liabilities
2022: ₱50.9M real properties, ₱23.8M personal, ₱3.75M liabilities
Isa sa mga pangunahing alegasyon sa impeachment complaint laban kay Duterte ay ang pagkakaroon umano ng “unexplained wealth.”
Tatalakayin ng House justice committee kung may sapat bang basehan ang alegasyong ito batay sa kanyang mga SALN at iba pang ebidensya.










