
Pilipino sa Estados Unidos ang maapektuhan ng bagong patakaran sa green card applications.
Kasunod ito ng anunsyo ng US Citizenship and Immigration Services (USCIS) na mas mahihigpit na ang proseso sa adjustment of status o pag-a-apply ng permanent residency habang nasa loob ng US, at maaari na lamang itong payagan sa limitadong pagkakataon.
Dahil dito, oobligahin ang mga Pinoy na bumalik sa Pilipinas upang doon dumaan sa regular na consular processing habang naghihintay ng approval.
Paglilinaw ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, na hindi apektado ang mga Pilipinong nasa US na may valid working visas, at maaaring may mga exemption sa humanitarian cases o iba pang espesyal na sitwasyon.









