Hiniling ni FPJ Panday Bayanihan party-list Rep. Brian Poe sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na ibaba ang motorcycle licensing fee na isa umano sa mga dahilan kung bakit maraming nagmamaneho ng motorsiklo na walang lisensiya.

Ayon sa mambabatas, ang mga motorsiklo ay bumubuo sa 61% ng mga sasakyan sa buong bansa at 36% ng mga aksidente sa kalsada, kung saan 76% sa naturang bilang ang nagresulta sa pagkamatay.

Nangako na si acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na kokonsultahin ang mga motorcycle group upang makahanap ng paraan na maibaba ang licensing fee at mas mapadali ang pagsunod sa pagkuha ng lisensya bago magmaneho