Mahalaga ang patuloy na ligtas na pag-access ng mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) para sa kanilang kabuhayan at sa seguridad sa pagkain ng milyun-milyong Pilipino, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DA Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate, mahigit 450,000 rehistradong mangingisda ang umaasa sa yamang-dagat ng WPS, na may malaking ambag sa suplay ng isda sa bansa.

Batay sa datos ng DA, umabot sa 453,246 mangingisda ang nakarehistro sa mga lalawigan at lungsod na nakapaligid sa WPS.

Malaki rin ang naging bahagi ng lugar sa marine fisheries production ng bansa sa mga nakalipas na taon.

Gayunman, patuloy na hinaharap ng mga mangingisda ang mga hamon tulad ng malalakas na bagyo, pagtaas ng presyo ng gasolina, illegal fishing, pagkasira ng yamang-dagat, at mga insidenteng nakaaapekto sa kanilang pangingisda.

-- ADVERTISEMENT --

Bilang tugon, pinalalakas ng DA at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga programa para sa kabuhayan ng mga mangingisda, kabilang ang pagbibigay ng kagamitan, pagsasanay, at suporta para sa mas ligtas at sustenableng pangingisda.