
Tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva ang pagpapalakas ng kooperasyon sa agrikultura, partikular sa pangangalaga sa mga alagang hayop, pagpapalago ng livestock production at pagpapatibay ng food security sa bansa.
Sa pulong ng dalawang lider sa pagbisita ni Lula sa Pilipinas, pinag-usapan din ang pagpapalitan ng kaalaman at teknikal na tulong sa larangan ng animal health at agribusiness.
Bilang bahagi ng kasunduan, nilagdaan ng Pilipinas at Brazil ang isang memorandum of agreement para mapalawak ang pagtutulungan sa agrikultura, kabilang ang mga programa sa pagsasanay para sa mga agricultural personnel, beterinaryo at iba pang katuwang sa pagsubaybay at pag-iwas sa pagkalat ng sakit ng mga hayop.
Sinusuri rin ng dalawang bansa ang iba pang posibleng pagtutulungan sa agribusiness, agricultural value chains at climate-resilient farming upang higit na mapatatag ang sektor ng agrikultura.









