TUGUEGARAO CITY- Inihahanda na ang mga dokumento para maibigay ang tulong para sa limang miembro umano ng New People’s Army na sumuko sa pamahalaan sa Quirino.
Sinabi ni PMAJ Raul Bunagan, information officer ng PNP Quirino na sumuko sina alyas Scorpio na may alyas din na Bong at Bagwis, vice chairman umano ng Timpuyug Dagiti Mannalon ti Quirino at militia ng bayan members na sina alyas Mait, revolutionary tax collector, alyas Krising at alyas Bidong, pawang mga residente ng Nagtipunan, Quirino.
Ayon kay Bunagan, kasapi umano ng Samahang Propaganda at Militia ng Bayan ang mga sumuko at kumikilos ito sa Quirino at Nueva Vizcaya.
Sinabi pa ni Bunagan na isinuko din ng mga ito ang tatlong improvised explosive device at mga propaganda documents at libro na naglalaman ng iba pang miembro umano ng rebeldeng grupo.