TUGUEGARAO CITY-Nakatakdang i-turn over sa Bureau of Jail Management and penology (BJMP)-Ballesteros ang isang lolo matapos silbihan ng warrant of arrest na may kasong kinakaharap na 13 counts of rape sa bayan ng Abulug.
Ayon kay P/Major Joefferson Gannaban , hepe ng Abulug Police Station, 2017 ng unang kahasain ng akusado na si Abraham Padyao, 63-anyos ng Barangay San Julian, Abulug ang noon ay 11-anyos na biktima.
Sa kaparehong taon, umabot sa limang beses na ginahasa ng akusado ang biktima na nasundan ng pitong beses noong 2018 at ipinagpatuloy nitong 2019.
Nagkaroon lamang ng lakas ng loob ang bata na magsumbong sakanyang magulang sa ginawang panggagahasa ng kanilang kapitbahay na lolo, nitong 2019
Agad namang nagsumbong ang pamilya ng biktima sa kapulisan na dahilan ng paglabas ng warrant of arrest na sanhi nang pagkaaresto ng akusado.
Sinabi ni Gannaban na batay sa salaysay ng bata, pinagbantaan umano siya ng akusado kung kaya’t hindi siya nagsalita ukol sa ginagawa sakanya ng lolo.
Hindi rin umano napansin ng mga magulang ng bata ang naturang panggagahasa dahil sa iba’t-ibang lugar ginagahasa ang anak.
Sa ngayon, inilayo na umano ng mga magulang ang anak sa lugar habang nananatiling nasa kustodiya ng PNP-Abulug ang akusado.