Isa nang tropical depression ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Aurora at naglandfall sa Casiguran, Aurora.
Ang sentro ng bagyo na si “Isang” ay tinatayang nasa bisinidad ng Casiguran.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph malapit sa sentro at may pagbugso na hanggang 90 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas ngayon ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, ang northern at central portions of Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis) at ang northern portion of Nueva Ecija (Lupao, Carranglan, Pantabangan, San Jose City).
May gale warning naman sa Zambales, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Burias Island, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayasa, Dinagat Islands, Southern Leyte, Surigao del Norte, at Camiguin, dahil sa pinalakas na Southwest Monsoon ng bagyong Isang.
Kikilos si Isang ng pa-westward sa panahon ng forecast period, at inaasahan na lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga o hapon.
Tinataya din na lalakas pa si Isang at magigiong tropical storm bukas ng umaga at posibleng maabot ang severe tropical storm category habang binabaybay nito ang katubigan ng katimugang bahagi ng Hainan, China.