Isa ng bagyo ang low pressure area na namataan sa silangan ng Batanes at tinawag itong Igme.

Ayon sa state weather bureau, maliit ang tsansa ng sama ng panahon na direktang tumama sa bansa sa halip ay papunta ito sa Taiwan.

Samantala, patuloy na magdadala ng pag-ulan ang habagat sa Zambalez at Bataan, at paminsan-minsan na pag-ulan din sa Ilocos region.

Makakaranas naman ng maulap na kalangitan ang Metro Manila, Northern Samar,Eastern Samar, Samar at nalalabing bahagi ng Luzon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Ang nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers at thunderstorms.

-- ADVERTISEMENT --