Nadismaya si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza II sa kalagayan ng ilang pampasaherong sasakyan matapos ang isinagawang surprise at random inspection sa Pampanga at iba pang bahagi ng Central Luzon.

Ang hakbang ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mas maayos na transport system sa buong bansa.

Ayon kay Mendoza, pinauwi ang unang limang pampasaherong jeepney na kanilang isinailalim sa inspeksyon sa Dau dahil sa paglabag sa umiiral na rules and regulations.

Karamihan sa mga jeep na nasuri ay nakitaan ng paglabag sa mga pamantayan sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga komyuter, habang ang ilan ay may isyu sa roadworthiness.

Dahil dito, nagpatupad ang LTFRB ng mas mahigpit na polisiya upang hindi mabigyan ng franchise renewal ang mga sira-sirang bus at public utility vehicles (PUV).

-- ADVERTISEMENT --

Halos 90 operators ng bus at PUV terminals ang naisyuhan na ng show cause order at notice of violation.