
Bumagsak pa lalo ang halaga ng piso sa exchange rate matapos magsara sa panibagong all-time low na P61.75 kada US dollar nitong Lunes, Mayo 18.
Nalampasan nito ang naunang all-time low na P61.721 kontra $1 na naitala noong Biyernes, Mayo 15.
Ang patuloy na paghina ng piso ay maaaring magdulot ng mas mataas na presyo ng mga imported na produkto tulad ng langis, pagkain, at iba pang pangunahing bilihin dahil mas mahal ang pagbili ng dolyar.
Karaniwang naaapektuhan ang halaga ng piso dahil sa galaw ng pandaigdigang ekonomiya, interest rates ng US Federal Reserve, demand para sa dolyar, at kondisyon ng lokal na ekonomiya ng Pilipinas.










