
Pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng provisional rate increases sa halos lahat ng uri ng public trasportation kung aabot sa P60 per liter ang diesel.
Sinabi ni LTFRB chairperson Vigor Mendoza II na ikinokonsidera nila ang nasabing hakbang sa gitna ng tumataas na global oil prices bunsod ng tensyon sa Middle East, na nagresulta sa pagtaas ng presyo ng petroleum products sa world market.
Ayon sa kanya, pagpapasiyahan na ang isinumiteng petisyon para sa fare adjustments para sa public utility buses at jeepneys.
Hinilihiling ng transport groups ang P2 na pagtaas sa minimum na pasahe para sa mga bus at jeepney. habang ang transport network vehicle ay humihingi naman ng P20 na pagtaas sa flag-down rate.
Sa ngayon ay wala pang inihain na petisyon para sa pagtaas sa pasahe ang UV Express units at regular taxis.










