Nagdududa na ang ilang tagasuporta ni US President Donald Trump sa pamumuno nito sa Make America Great Again o MAGA movement matapos ang malaking pagkatalo ng mga Republican sa midterm elections.

Sinisi ng ilang tagasuporta si Trump sa pagkatalo, bunsod umano ng mataas na presyo ng gasolina, digmaan sa Iran at mga isyu ng katiwalian sa Washington.

May ilan namang nanawagan na baguhin ang direksiyon ng kilusan at huwag nang iugnay ito sa iisang lider.

Batay sa pagsusuri sa mahigit 12,000 post ng mga tagasuporta ng MAGA, mahigit 20 porsiyento ang nagpahayag ng pagdududa sa pamumuno at direksiyon ng kilusan.

Samantala, maghahanda na ang mga Democrat na kontrolin ang malalaking mayorya sa Senado at Kamara, na posibleng maglimita sa mga hakbang at polisiya ng administrasyong Trump.

-- ADVERTISEMENT --