Niyanig ng isang malakas na lindol ang karagatan malapit sa Sarangani Island sa Davao Occidental kaninang 6:17 ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa ahensya, naitala ang lindol na may lakas na magnitude 6.3 sa layong 295 kilometro timog-silangan ng Sarangani Island.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 117 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Malungon, Sarangani at sa lungsod ng General Santos, kung saan sinabi ng Phivolcs na karaniwang nararamdaman ito sa loob ng mga gusali, lalo na sa matataas na palapag.

Naitala rin ang Intensity II sa Tupi at Koronadal sa South Cotabato, at sa Kiamba, Sarangani. Sa iba pang mga lugar tulad ng Maitum, Malapatan at Palimbang, Sultan Kudarat, ay naitala ang Intensity I.

-- ADVERTISEMENT --

May mga naitalang instrumental intensities sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, at ayon sa Phivolcs, posible pa ang mga aftershock at posibleng may mga pinsalang dulot ng pagyanig.