
Yumanig ang magnitude 6.6 na lindol sa bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental noong Lunes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang pagyanig dakong 5:18 p.m. na may episentro sa 05.77°N, 127.27°E o nasa 164 kilometro timog-silangan ng naturang bayan.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 86 kilometro.
Wala namang inaasahang pinsala mula sa lindol, ngunit pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng aftershocks.










