TUGUEGARAO CITY- Inaagnas na nang makita ang labi ng isang magsasaka nang makita sa bulubunduking bahagi ng Barangay Calaoagan, Piat, Cagayan.

Sinabi ni PLT. Arvin Asuncion deputy Chief of Police ng Piat na August 11 pa umalis ng kanilang bahay si Danilo Gregorio, 45.

Dahil dito, hinanap siya ng kanyang mga kamag-anak hanggang sa makita siya sa bundok.

Sinabi ni Asuncion, tatlong oras sila naglakad bago narating ang kinaroroonan ng bangkay.

Nakuha sa tabi ng bangkay ang dalawang bote ng alak at insecticide.

-- ADVERTISEMENT --

May nakuha din umanong suicide note sa bag ng biktima na pinapayuhan ang kanyang mga anak na huwag mag-away at sinabi ding mahal niya ang mga ito.