Naglabas ng mahigpit na babala ang Department of Energy (DOE) sa publiko hinggil sa ilegal na pagkakabit o paggamit ng mga jumper at iba pang paraan ng pagnanakaw ng kuryente.

Iginiit ng ahensya na bukod sa ito ay isang malinaw na paglabag sa batas, lubha rin itong mapanganib sa buhay at ari-arian dahil maaari itong magdulot ng sunog o electric shock.

Paalala ng DOE, mahaharap sa kaukulang pananagutang kriminal ang sinumang mapatutunayang lumalabag dito.

Mahigpit na ipinatutupad ang mga parusang ito batay sa Republic Act No. 7832 o ang Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.