Hindi bababa sa 66 katao ang nasawi habang dose-dosenang iba pa ang nasugatan matapos bumagsak ang isang military aircraft ng Colombia ilang sandali matapos itong mag-takeoff noong Marso 23.

Ayon sa mga awtoridad, sakay ng Lockheed C-130 Hercules ang 125 katao kabilang ang 114 sundalo at 11 crew nang bumagsak ito malapit sa Puerto Leguízamo sa timog ng bansa.

Nagkalat ang nasusunog na wreckage sa kagubatan habang nagpapatuloy ang rescue operations. Hindi pa matukoy ang sanhi ng aksidente at patuloy itong iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Iniulat na mahigit 80 katao ang nasugatan at dinala sa mga ospital, habang nahirapan ang mga rescuers dahil sa liblib at maliit na paliparan sa lugar.

Nagpahayag ng pakikiramay si Gustavo Petro at tinawag ang insidente na isang malubhang trahedya, kasabay ng panawagan na modernisahin ang kagamitan ng militar.

-- ADVERTISEMENT --

Ito na ang ikalawang pag-crash ng kaparehong uri ng eroplano sa South America sa loob lamang ng isang buwan. Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na dahilan ng sakuna.