TUGUEGARAO CITY-Patuloy ang marijuana eradication ng mga otoridad sa lalawigan ng Kalinga.

Sinabi ni PCAPT Ruff Manganip, informaton officer ng PNP Kalinga na sa pinakahuling operasyon sa bayan ng Tinglayan ay sinira at sinunog ang libo-libong fully grown marijuana sa Buscalan at Tulgao West na nagkakahalaga ng mahigit P20m.

Ayon kay Manganip, unang nadiskubre ng mga otoridad ang apat na marijuana plantation sa Buscalan sa tinawag nilang ‘Oplan Foggy’ kung saan binunot at sinunog ang 11,900 fully grown marijuana may estimated value na mahigit P2.3m.

Sumunod naman na sinuyod ng mga otoridad ang Brgy. Tulgao West sa operasyon na tinawag nilang ‘Oplan Maritess 2’ kung saan nakita ang dalawang malalaking marijuana plantation.

Binunot at sinunog din ng mga otoridad ang mga marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P20.5m

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Manganip na walang nahuli na cultivator sa mga nasabing operasyon.

Samantala, isang high value target individual na may standing warrant of arrest dahil din sa iligal na droga ang naaresto ng mga otoridad sa Lacnog East, Tabuk City.

Kinilala ni Manganip ang akusado na si Bobby Gangbang, 37 anyos.

Sinabi ni Manganip na nakipaghabulan pa ang mga operatiba sa akusado matapos na ito tumakbo kung saan ay nasukol siya sa palayan sa nasabing lugar.

Ayon kay Manganip, nakuha sa pag-iingat ng akusado ang 29 grams ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P197, 000, isang calibre 45 shooter at anim na calibre .45.