Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung sino ang nagmamay-ari ng plantasyon ng marijuana na sinunog sa bulubunduking lugar ng Sitio Batangan, Tacadang, Benguet.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang mahigit ₱3,980,000 ang halaga ng sinunog na mga halamang marijuana.

May lawak na 2,050 square meters ang taniman, kung saan may 19,900 na puno ng nasabing pananim ang binunot at sinunog ng mga awtoridad.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera, National Bureau of Investigation (NBI), at Benguet Police Provincial Office (BPPO).