
Posibleng umabot sa P8.80 hanggang P10.80 kada litro ang rollback sa presyo ng diesel sa susunod na linggo, ayon sa pagtataya ng industriya.
Mas mataas ito kumpara sa naunang estimate, habang inaasahan din ang posibleng pagbaba ng presyo ng gasolina ng hanggang P1.50 kada litro o manatiling hindi magbago.
Naimpluwensyahan ang galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos ang tigil-putukan na inanunsyo ni US Pres Donald Trump sa pagitan ng United States at Iran.
Gayunman, nananatiling hindi tiyak ang magiging epekto nito dahil sa posibleng hindi matatag na kasunduan sa rehiyong pinagmumulan ng langis, na maaaring makaapekto muli sa presyo ng petrolyo.










