Malaking halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa isang suspek na nahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Maura, Aparri, Cagayan kahapon, Mayo 28, 2025.

Ang naturang operasyon ay isinagawa sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Special Enforcement Team (PDEA RSET), katuwang ang mga tauhan ng PNP Aparri.

Batay sa ulat, agad na dinakip ang suspek na kinilalang si alyas Jojo, 45-anyos, at residente rin ng nasabing bayan, matapos nitong ibenta sa isang nagpanggap na buyer ang isang knot-tied na transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu kapalit ang halagang Php100,000.00.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang mga sumusunod:

  1. Isang walang lamang pakete ng sigarilyo na may nakasuksok na knot-tied plastic sachet (buy-bust item);
  2. Isang brown paper bag na naglalaman ng Php100,000.00 buy-bust money, na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 99 na piraso ng boodle money; at
  3. Isang motorsiklong walang plaka.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- ADVERTISEMENT --

Pinapurihan naman ni PCOL Mardito Anguluan, director ng PNP Cagayan ang mga awtoridad sa matagumpay na operasyon laban sa illegal drugs.