
Kinumpirma ni DPWH Secretary Vince Dizon na maraming flood control project coordinates sa Sumbong sa Pangulo Website ang hindi tama, dulot ng mali o hindi tamang datos mula sa nakaraang pamunuan.
Naunang ipahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson na mali-maling grid data ang ipinasa sa Palasyo ni dating Secretary Manuel Bonoan.
Base sa joint inspections ng DPWH kasama ang ilang pribadong kontratista, kabilang ang site visits sa Bulacan, napatunayang naroon ang ilang proyekto na una ng sinabing nawawala, bagamat nasa ibang lokasyon dahil sa nasabing maling coordinates.
Ang mga ito ay nai-report at opisyal ng naisumite ng dpwh, patuloy ang ahensiya sa pagre-reconcile at pag-validate ng data upang matiyak na tama ang mga reports tungkol dito.










