Patay ang isang radio program host at station manager ng Radyo Gugma na si Erwin “Boy Pana” Segovia kaninang umaga habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Mangangoy sa Bislig City sa Surigao del Sur.

Ayon sa Bislig City Police, umalis si Segovia sa himpilan ng radyo pagkatapos ng kanyang programa sakay ng motorsiklo nang barilin siya ng hindi pa nakikilalang salarin.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo at kung sino ang salarin sa nasabing krimen.

Kaugnay nito, nag-alok si dating Mayor Carla Lopez Pichay, dating mayor ng bayan ng Cantilan, na tumakbo at natalo sa pagkakongresista laban kay dating governor Alexander Pimental sa second dictrict ng Surigao del Sur ng P1 million na pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon para mahuli ang mga salarin.

Nagsilbi si Segovia bilang radio block time host para sa kandidatura ni Pichay sa kanyang mid-term election campaign ngayong taon.

-- ADVERTISEMENT --

Hinamon din ni Pichay ang mga kasalukuyang opisyal ng lalawigan na sina Pimental, 1st District Rep. Romeo Momo, at Governor Johnny Pimentel na patunayan ang kanilang commitment para matiyak ang hustisya at ang mabilis na pagkakahuli sa mga pumatay kay Segovia.

Nanawagan din siya sa Diocese ng Tandag na makiisa sa kanyang apela na ibigay ang hustisya sa mga pinatay dahil sa pulitika.

Si Segovia, na kilala sa kanyang matatapang komentaryo, ay tinalakay ang patronal fiesta ng Mangagoy at wala siyang binanggit tungkol sa pulitika sa kanyang programa kaninang umaga bago siya patayin.