Malaki ang paniniwala ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na mahirap ipatulad ang mandatory mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sanhi ng kawalan ng pondo mataos makipagpulong sa ilang opisyal ng Department of National Defense (DND) sa pangunguna ni Secretary Gilbert Teodoro Jr.

Sinabi ni Escudero na kailangan ng DND ng mahigit P27 bilyon o higit sa P8 bilyon kada taon upang maipatupad ang mandatory ROTC sa loob lamang ng tatlong taon.

Gagamitin ang pondo sa pagbili ng combat boots, uniform, allowance, stipend ng trainers, at iba pang office supplies.

Sinabi ni Escudero na ngayon daw na ipinapatupad pa ang National Service Training Program (NSTP) ay mahaba ang kanilang backlog sa pagtanggap ng reserve na nag-aapply

Sinabi pa ni Escudero na kailangan pang hanapan ng Kongreso kung saan kukunin ang pondo sa pagpapatupad ng mandatory ROTC.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, sinabi ni Escudero na hindi siya kumbinsido na kailangan na buhayin ang ROTC.

Gayonman, tiniyak niya na hindi siya magiging sagabal sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Samantala, iminungkahi ng DND na dapat gawing generic ang ROTC training nang walang espisipikong assignment sa bawat pamantasan di tulad ng nakaraang implementasyon.